^

PSN Palaro

Junior Blazers kampeon

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ginulantang ng College of Saint Benilde-La Salle Greenhills ang Mapua University sa bisa ng 75-74 desisyon sa rubber match upang pagharian ang NCAA Season 93 juniors basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Humataw ng husto si Joshua David nang bu­manat ito ng 27 puntos mula sa 12-of-18 shooting clip kasama pa ang anim na rebounds, dalawang assists at isang steal para tulungan ang Junior Blazers na makuha ang kanilang kauna-unahang titulo.

Nakatuwang ni Davis si Joel Cagulangan na kumana naman ng 19 markers, siyam na boards pitong assist at apat na steals habang nagdagdag ng pinagsamang 14 puntos sina Jacob Lao at Inand Fornillos.

Napasakamay ni Cagulangan ang Finals MVP matapos magrehistro ng averages na 17.3 points, 6.7 rebounds, 7.0 assists at 3.3 steals sa finals series.

Tinapos ng Junior Bla­zers ang best-of-three series sa 2-1.

Nakauna ang La Salle Greenhills nang kunin nito ang Game 1 sa pamama­gitan ng 74-68 desisyon bago nakabawi ang Mapua sa Game 2 sa iskor na 91-81.

Nasayang ang pinaghirapang 21 puntos ni Clint Escamis gayundin ang 12 ni Carl Lacap, 12  ni Sea­son MVP Will Gozum at 10 ni Warren Bonifacio.

Nakumpleto ng Junior Blazers ang kanilang Cinderella run kung saan kinailangan pa nitong du­maan sa playoff para makuha ang huling tiket sa Final Four.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with