F2 Logistics ‘di bibitaw sa itatas
Laro Ngayon (Batangas City Sports Center)
4 p.m. Petron vs Iriga City
6 p.m. Foton vs F2 Logistics
MANILA, Philippines — Itataya ng F2 Logistics ang solo liderato sa kanilang paghaharap laban sa nagdedepensang Foton habang target ng Petron Blaze ang pang-anim panalo sa pakikipagtipan kontra Iriga City ngayon sa pagpapatuloy ng 2017 Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix sa Batangas City Sports Center.
Tangan ang 6-0 win-loss kartada, haharapin ng solo leader Cargo Movers ang Tornadoes sa alas-6 ng gabi pagkatapos ng labanan ng Blaze Spikers at Oragons sa alas-4 ng hapon.
Kumpleto na ang roster sa 8-team quarterfinals sa pangunguna ng F2 Logistics (6-0) at kasunod ang Petron (5-1), Foton (5-1), Cocolife (3-3), Cignal (3-4), Generika-Ayala (3-4), Iriga (2-4) at Sta. Lucia (1-5).
Tanging ang nangungulelat na University of Sto. Tomas-Victoria Sports lamang ang matatanggal sa kanilang 0-6 card pagkatapos ng single round elimination ng season-ending conference.
Inamin naman ni F2 Logistics coach Ramil de Jesus na hangad talaga nilang tumapos sa elims bilang No. 1 seed para ang makaharap sa susunod na round ay ang No. 8 seed na Sta. Lucia o Iriga City.
“Playing Foton will be very tough. I’m quite worried because we’re always winning. I’m not saying that we want to lose, but losses will bring out the character of my team. We haven’t experienced that. So if we’re going to lose, I want it to happen early so we will have time to recover and make some adjustments right away,”
Sasandalan ni De Jesus sina imports Kennedy Bryan ng US at Maria Jose Perez ng Venezuela at mga local stars na sina Kim Fajardo, Aby Maraño, Kim Dy at Majoy Baron para manatili sa itaas.
- Latest