Ancajas may tsansang mapalaban sa HBO boxing card
MANILA, Philippines — Matapos si dating world two-division titlist Brian “Hawaiian Punch” Viloria ay si Filipino super flyweight champion Jerwin Ancajas ang posibleng lumaban sa “Super Fly” show ng HBO sa 2018.
Ang pagkakabilang sa “SuperFly” show ng HBO ang inaasahang makakatulong sa pagpapakilala kay Ancajas sa American boxing fans.
Isinagawa ang unang “SuperFly” show ng HBO noong Setyembre 9 sa StubHub Center sa Carson, California na nagtampok sa tatlong super flyweight bouts na kinabibilangan ng rematch nina Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand at dating pound-for-pound king Roman “Chocolatito” Gonzalez ng Nicaragua.
Sa nasabi ring boxing card umiskor si Viloria ng isang fifth-round TKO victory laban kay Rican-American Miguel Cartagena.
Matagumpay na naipagtanggol ng 25-anyos na si Ancajas ang kanyang International Boxing Federation super flyweight crown matapos kunin ang seventh-round stoppage laban kay Irish challenger Jamie Conlan noong Linggo sa Belfast, Ireland.
Itinaas ng 25-anyos na si Ancajas ang kanyang 28-1-1 win-loss-draw ring record tampok ang 19Kos.
“So now looking at 2018, I’d put Jerwin into that top five of the 115-pound, super fly division,” ani Gibbons.
Kabilang sa mga maaaring labanan ni Ancajas sa susunod na taon ay ang WBC titlist na si Rungvisai ng Thailand at WBO king Naoyo “The Monster” Inoue ng Japan.
- Latest