^

PSN Palaro

Pinoy keglers 2 ginto ang pinagulong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuloy ang magandang ratsada ng Pinoy keglers nang humakot ito ng dalawang ginto, apat na pilak at walong tansong medalya sa 31st Asian Intercity Bowling Championship na ginanap sa Yancheng Bowling Center sa Jiangsu, China.

Nanguna sa kampanya ng Pilipinas si Victor Emmanuel nang magpagulong ito ng 1,216 pinfalls mula sa 179, 218, 236, 194, 188 at 201 para pagharian ang senior men’s singles.

Naungusan nito si Zhu Yongqui ng China na nagtala ng 1,208 pinfalls (227, 203, 204, 211, 276 at 187) para sa pilak at kababayang si Dennis Ho na nagrehistro naman ng 1,199 pinfalls (235, 185, 193, 225, 213 at 148) para sa tanso.

Katuwang si Johnson Cheng, bumawi si Ho nang angkinin  ng Pinoy duo ang senior men’s doubles gold medal sa bendisyon ng pinagsamang 2,350 pinfalls.

Nakalikom si Cheng ng 1,228 (194, 190, 217, 206, 184 at 237) habang naglista naman si Ho ng 1,122 (175, 167, 203, 217, 197 at 163).

Nagkasya naman sa pilak si Lara Posadas sa women’s masters nang matalo ito kay Peng Rui ng China sa iskor na 214-268 sa Game 1 at 235-247 sa Game 2 ng best-of-three championship round.

Nakapilak din sina James Dela Cruz sa senior men’s all-events, Anna Marie Kiac sa women’s all-events at sina Angela Lao at Tess Aquino sa senior women’s doubles sa event na may basbas ng Asian Bowling Federation.

Galing ang tanso kina Kiac (women’s singles at women’s masters); Aquino (senior women’s all-events); Posadas (women’s all-events); Bernard Hernandez at James Dela Cruz (senior men’s doubles); Johnson Cheng (senior men’s masters); at Rodolfo Tan Jr. (men’s masters).

Sa kabuuang, napa­saka­may ng Pilipinas ang ikalawang puwesto habang nanguna ang host China na nakalikom ng limang ginto, dalawang pilak at  isang tanso. Pumangatlo ang Hong Kong na may dalawang pilak at ikaapat ang Macau na may dalawang tanso.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with