^

PSN Palaro

Gilas Pilipinas giniba ang Japan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Nobyembre 27(Smart Araneta Coliseum)

7 p.m. Gilas Pilipinas vs Chinese-Taipei

MANILA, Philippines — Bagama’t nagtayo ng 14-point lead sa first quarter ay hindi pa rin ito naging garantiya para sa magaang na panalo ng Nationals.

Kinailangan ng Gilas Pilipinas na maghulog ng krusyal na 7-0 atake sa dulo ng final canto para gibain ang Japan, 77-71 sa FIBA Basketball World Cup 2019 Asian Qualifiers kagabi sa Komazawa Olympic Park Gymnasium sa Tokyo.

Umiskor si veteran guard Jayson Castro ng 20 points kasunod ang 13 at 12 markers nina natura­lized player Andray Blatche at Matthew Wright, ayon sa pagkakasunod, para sa 1-0 record ng Nationals.

Ito ang ikaanim na su­nod na pagkakataon na tinalo ng Pilipinas ang Japan sapul nang manaig ang mga Japanese, 106-46  noong 2004 FIBA Asia Challenge.

Ang free throws ni Kiefer  Ravena ang nagbigay sa Gilas Pilipinas ng 14-point lead, 24-10  sa 7:43 minuto ng second period bago naagaw ng Japan ang 42-41 bentahe sa 5:49 minuto ng third quarter.

Muling nakalayo ang Nationals sa 63-55 sa ka­agahan ng final canto hanggang isalpak ni Daiki Tanaka ang isang three-point shot na nagdkit sa Japanese sa 60-63 sa 6:30 minuto nito.

Ang dalawang charities ni Wright kasunod ang triple ni Blatche at basket ni four-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ang muling naglayo sa Gilas Pilipinas sa 70-60 sa huling 3:41 minuto ng labanan.

Samantala, kaagad nagposte ng mga panalo ang paboritong China, Korea, Lebanon at Jordan.

Sa likod ng 17 points ni guard Mugedaer Xirelijiang, nagsalpak ng limang three-pointers, ay inilampaso ng mga Chinese ang bisitang Hong Kong, 96-44, sa Youth Olympic Games Park sa Nanjing.

Pinatumba naman ng mga Koreans ang New Zealand Tall Blacks, 86-80  sa TSB Bank Arena sa Wellington.

Dinurog ng Lebanon ang India, 107-72 at hiniya ng Jordan ang S­yria, 109-72.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with