^

PSN Palaro

Juniors crown pag-aagawan ng Mapua at LSGH

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Asahan ang matinding bakbakan sa pagitan ng Ma­pua at College of St. Be­nilde-La Salle Greenhills sa paglarga ng ‘winner-take-all’ game ng kanilang NCAA Season 93 juniors basketball championship series sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang ‘rubber match’ ng Red Robins at Junior Blazers sa alas-3 ng hapon.

Nauwi sa Game Three ang best-of-three finals kung saan namayani ang Ju­nior Blazers sa Game One sa bendisyon ng 74-68 panalo bago maitabla ng Red Robins ang serye bunsod ng 91-81 pananaig sa Game Two.

Pumanig sa Mapua ang momentum na nais nilang madala sa importanteng laban kontra sa LS­GH.

Tiwala si Red Robins head coach Randy Alcantara na mauulit ng kanyang tropa ang impresibong panalo sa Game Two.

“Of course, if we will play as hard as Game Two, may­be harder, we hope it will be us going home as champions,” ani Alcantara, nagdala sa Red Robins sa korona no­ong nakaraang taon ma­tapos patumbahin ang San Beda Cubs.

Target ng Mapua ang ika-22 titulo sa liga upang sa­luhan ang winningest team na San Beda sa una­han ng overall standings tangan ang 22 korona.

Sasandalan ng Red Ro­­bins si Clint Escamis na nagpasabog ng 25 puntos kabilang ang 10 sa fourth quarter sa Game Two at si Warren Bonifacio na ku­mana ng 18 puntos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with