PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ateneo tinakasan ang FEU, finals rematch kontra La Salle ikinasa

MANILA, Philippines – Dumaan sa butas ng karayom ang top-seed Ateneo de Manila University matapos matakasan ang Far Eastern University sa overtime victory, 88-84, upang makabalik sa UAAP Finals.

Pinangunahan ni Matt Nieto ang Blue Eagles sa kaniyang 16 markers, kabilang ang crucial three-pointer sa 1:30 mark ng extended period upang tuluyang wakasan ang season ng Tamaraws.

Hindi naman mananalo ang Katipunan-based squad kung hindi sa three-pointer ng kanilang sentrong si Isaac Go na nagpatabla ng laban sa fourth quarter upang mahila ang laro sa kauna-unahang overtime ng liga sa iskor na 75-all.

Muli ring kuminang si Thirdy Ravena sa kaniyang 17 points upang ihatid ang Ateneo sa best-of-three Finals kalaban ang karibal at defeding champion De La Salle University.

Bigo naman ang Tamaraws na tuluyang pahiyain ang Ateneo matapos makapuwersa ng rubber match nitong Linggo.

Magsisimula ang Finals sa Sabado sa MOA Arena.

BOX SCORES
 
ATENEO 88 – Ravena 17, Nieto Ma 16, Ikeh 16, Go 13, Mendoza 5, Tio 5, Nieto Mi 4, Tolentino 3, Black 3, Mamuyac 2, Verano 2, Porter 2, Asistio 0
 
FEU 84 – Parker 19, Tolentino 13, Comboy 11, Orizu 10, Escoto 6, Inigo 6, Trinidad 6, Cani 5, Dennison 4, Ebona 2, Tuffin 2, Bayquin 0
 
QUARTER SCORES: 21-15, 40-33, 57-53, 75-75, 88-84 (OT)
PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: