^

PSN Palaro

Lifesavers nagpalakas

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umiskor ng 22 puntos ang Croatian import na si Katarina Pilepic para iangat ang Generika-Ayala sa straight sets panalo laban sa University of Santo Tomas-Victoria Sports, 25-16, 25-19, 25-23  kahapon sa pagpapatuloy ng 2017 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Matapos makuha ang unang set, 25-16, tila  nagpahinga ang Lifesavers sa ikatlong set na nagdala sa kanila sa panganib at buti na lang naging maagap sina Pilepic at Darlene Ramdin ng Trinidad-Tobago para mailusot ang 25-23 panalo na umabot ng mahigit 28 minuto.

“It’s good that we won today although it was not that easy. In the third set, we committed a lot of errors that’s why, we have to work doubly hard to escape with the win. You know, to win is all about passing the ball well. But anyway, we have to keep going because in the end it would about consistency,” sabi ni Pilepic.

Umani rin si Pilepic ng 18 atake, dalawang blocks at dalawang aces para umakyat sa solo fifth spot sa 3-4 win-loss kartada sa likuran ng nangungunang F2 Logistics (5-0), Petron (5-1), Foton (5-1) at Cocolife (3-3).

Lumamang pa ang T­igresses, 18-16 sa third set  bago umatake si Pilepic na nagbigay daan para sa 9-5 run at biguin ang UST sa limang sunod na laro (0-5).  

Sa limang laro, isang beses pa lamang nanalo ng set ang España-based Tigresses laban sa Cocolife, 19-25, 25-16, 17-25, 20-25  noong Nobyembre 7.

Haharapin ng UST ang  Iriga City (1-4) sa importanteng laban sa Sabado  sa Batangas City Sports Center upang malaman kung sino sa kanila ang papasok sa 8-team quarterfinal round.

 Dinomina ng Lifesa­vers ang lahat ng department sa laban sa 40 atake habang 30 lamang sa Tigresses bukod sa ka­nilang mala­king bentahe sa b­locking area, 6-1 at pitong aces.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with