^

PSN Palaro

Nagpasabog uli si Irving

Pilipino Star Ngayon
Nagpasabog uli si Irving

Tinangkang supalpalin ni Maximilian Kieber ng Mavericks si Kyrie Irving ng Celtics.
 

DALLAS -- Nagpasabog si guard Kyrie Irving ng 47 points para ihatid ang Boston Celtics sa kanilang pang-16 sunod na arangkada matapos ungusan ang Mavericks sa overtime, 110-102.

Kumonekta si Irving ng limang three-pointers at naglista ng 3 rebounds para ibangon ang Boston mula sa 10-point deficit, 79-89 sa huling limang minuto sa final quarter.

Nag-ambag si Jaylen Brown ng 22 points, samantalang umiskor sina Jayson Tatum at Marcus Smart ng 15 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod.

Itinaas ng Celtics ang kanilang win-loss record sa 16-2 matapos ang 0-2 panimula, habang nalasap ng Mavericks ang pang-15 kabiguan sa 18 laro.

Pinangunahan ni Harrison Barnes ang Dallas mula sa kanyang 31 points kasunod ang 18 markers ni Wesley Matthews.

Nagdagdag din sina J.J. Barea at German veteran Dirk Nowitzki ng 16 at 14 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Mavericks.

Sa Detroit, humugot si LeBron James ng 16 sa kanyang 18 points sa first quarter at nagsalpak ang Cleveland Cavaliers ng 11 triples sa first half patungo sa 116-88 paglampaso sa Pistons.

Kinuha ng Cleveland ang 73-46 abante sa halftime sa likod ng kanilang magandang shooting performance tungo sa panalo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with