^

PSN Palaro

Japan nais makabawi sa Gilas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang pagresbak sa Gilas Pilipinas ang nasa mga mata ng Japan sa kanilang bakbakan sa pagsisimula ng FIBA Basketball World Cup 2019 Asian Qualifiers sa Biyernes sa Komazawa Gymnasium sa Tokyo.

Noong 2015 FIBA Asia Championships sa Changsha, China ay pinatumba ng Nationals ang mga Japanese.

“We lost against them in the 2015 FIBA Asia Championship. But we will surely get them back this time,” sabi ni bigman Joji Takeuchi sa report ng fiba.com kahapon.

Mabilis na naubos ang mga tiket para sa opening home game ng Japan laban sa Gilas Pilipinas.

Ito ang isang bagay na maaaring gamitin ng ko­ponan ni Argentinian le­gendary coach Julio Lamas.

“Knowing that the t­ickets got sold out quickly, I can see a lot of people are pa­ying attention to our game,” wika ni Takeuchi. “The game against Philippines, our very first home game, will be very important in setting the tone for the rest of the qualifiers.”

Ligtas na dumating ang Nationals ni mentor Chot Reyes sa Japan para sa kanilang sultada.

“Landed safely in Tokyo! Final few days of preparation before we take on Japan! #LabanPilipinas,” sabi ni veteran big guard Gabe Norwood sa kanyang Twitter account.

Matapos ang ilang araw na paghihintay ay dumating sa bansa si naturalized player Andray Blatche at kaagad nakipag-ensayo sa Nationals.

Bukod kay Joji, inaasahan ding makakasama sa Final 12 ng Japan squad ang kanyang kakambal na si Kosuke at sina naturalized player Ira Brown at NBA D-League veteran Yuki Togashi.

Si Lamas ang na­ging coach nina NBA stars Manu Ginobili, Luis Scola, Andres Nocioni at Pablo Prigioni nang angkinin ng Argentina ang korona ng 2011 FIBA Americas.

Ang seven-time Argentine League Coach of the Year ang gumiya sa Argentina noong 1998 at 2014 World Cup at noong 2012 Olympics.

Ang iba pang inaasa­hang mapapabilang sa Japan team ay sina wingmen Yudai Baba, Makoto Hiejima at Daiki Tanaka, shooter Naoto Tsuji at veteran frontcourt player Atsuya Ota.

Ihahayag nina Reyes at Lamas ang kanilang final roster sa bisperas ng bakbakan ng Gilas Pilipinas at Japan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with