^

PSN Palaro

Judgment day!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
 Judgment day!

 Hinabol ni Hubert Cani ng FEU si Aaron Black ng A­teneo sa Game 1 ng  UAAP Final 4. (Jun Mendoza)
 

Ateneo vs FEU sa huling finals slot

MANILA, Philippines — Paglalabanan ng Far Eastern University at  Ateneo de  Manila University ang huling tiket sa finals sa paglarga ng rubber match ng kanilang UAAP Season 80 men’s basketball tournament Final Four sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magpapang-abot ang Tamaraws at Blue Eagles sa alas-4 ng hapon.

Nasa kamay ng FEU ang momento matapos itarak ang 80-67 panalo laban sa Ateneo sa kanilang unang paghaharap sa semis upang burahin ang twice-to-beat card ng Blue Eagles.

Kaya naman nag-uumapaw ang kumpiyansa ng Tamaraws na nais nitong dalhin sa kanilang muling pagtutuos ngayong hapon.

Bumandera sa naturang panalo ng Tamaraws si Ron Dennison na humakot ng 17 puntos, walong rebounds, tatlong assists at dalawang steals.

Ngunit hindi lang si Dennison ang naasahan ng FEU dahil malaki rin ang kontribusyon ng iba pang miyembro ng tropa gaya ni Arvin Tolentino na may 13 puntos at Hubert Cani na nagdagdag ng 11 markers at kapwa dating miyembro ng Blue Eagles bago magpasyang lumipat sa Tamaraws.

Naasahan din si Prince Orizu na may 10 puntos, gayundin sina Richard Escoto (9), Alejandro Inigo (8), Allen Trinadad (5) at Jasper Parker (4).

“It’s a total team effort. Nandun yung desire ng bawat isa na manalo kaya maganda ang kinalabasan,” wika ni Tamaraws head coach Olsen Racela.

Hindi pa tapos ang laban.

At alam ni Racela na naghanda ng husto ang Ateneo upang makaresbak.

Ito ang mas pinaghandaan ng Tamaraws --ang pigilan ang anumang pagtatangkang ilulunsad ng Blue Eagles.

“Just think about one game. Don't think about the magnitude of the game. Just focus on what we need to focus on and play the whole 40 minutes against Ateneo. Alam ko na si Coach Tab (Baldwin) ay may plans para ma-counter what we did in our first game in semis,” ani Racela.

Inaasahang ilalabas na ng Ateneo ang lahat ng alas nito upang hindi masayang ang kanilang pinaghirapan sa eliminasyon kung saan naitala nila ang 13-1 rekord para makuha ang top seeding at twice-to-beat sa semis.

Raratsada para sa Blue Eagles sina Thirdy Ravena, ang magkapatid na Matt at Mike Nieto, Isaac Go, Vince Tolentino at Jolo Mendoza.

“We need to play a lot better and put much attention on what we're capable of. We need to get back on understanding what we do well, sort of rediscover who we are. It's there. There's no question that it's still there,” wika ni Ateneo mentor Tab Baldwin.

Naghihintay na sa finals ang nagdedepensang De La Salle University na pinatumba ang Adamson University sa kanilang hiwalay na semis game.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with