^

PSN Palaro

Blue Eagles palalakasin ang malabnaw na opensa sa do-or-die

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang 13 sunod na panalo, dumanas ng matinding pagsubok ang Ateneo de Manila University matapos lumasap ng dalawang dikit na kabiguan sa UAAP Season 80 men’s basketball tournament.

Bigo ang Ateneo na mawalis ang eliminasyon at makuha sana ang outright finals slot nang matalo ito sa nagdedepensang La Salle sa huling araw ng eliminasyon.

Muling nakatikim ng dagok ang Ateneo nang matalo ito sa Far Eastern University, 67-80  sa Final Four noong Linggo dahilan upang manganib ang kanilang tangkang makabalik sa finals.

Masuwerte ang Blue Eagles dahil hawak nito ang twice-to-beat advantage kaya’t may pag-asa pa itong makahirit ng tiket sa finals.

Isa sa pangunahing dahilan ng pagkatalo ng Ateneo ang masamang shooting kung saan tanging 36.62 porsiyento lamang ang naitala nito mula sa 26-of-71 clip.

Malayo ito sa impresibong 31-of-63 ng Tamaraws na nakakuha ng 49.21 percent.

“We played like a young team and we shouldn’t. There’s youth there, yes. But we’ve been together long enough and we shouldn’t play like a young team,” ani Blue Eagles mentor Tab Baldwin.

Kaya naman back-to-zero ang Ateneo.

Kailangan nitong maibalik ang matatalim na kuko kasabay ng malapad na pagbuka sa kanilang pakpak upang muling makalipad tungo sa finals.

Nakalikom naman si Thirdy Ravena ng 17 puntos habang may 13 si Mike Nieto at 11 naman si Matt Nieto.

Subalit kailangan rin ng kontribusyon ng iba pang mi­yembro ng tropa upang mas maging solido ang kanilang armas na itatapat sa Tamaraws.

Muling magkukrus ang landas ng Blue Eagles at Tamaraws bukas sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang magwawagi sa naturang laro ang siyang haharap sa Green Archers na nauna nang pumasok sa finals matapos pabagsakin ang Adamson University sa kanilang sariling Final Four game.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with