^

PSN Palaro

NCAA football: Red Booters pokus sa ika-22 titulo

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sisimulan ng San Beda College ang asam na ma­ging pinakamara­ming titulo sa kanilang paghaharap kontra sa Emilio Aguinaldo College sa paglarga ng 93rd NCAA Football tournament sa Biyernes sa Rizal Memorial field.

Sa ngayon ang Red Booters ay tabla sa dating NCAA member La Salle sa may pinakamaraming korona na may tig-21 senior’s championship.

Ang La Salle Green Boo­ters ay lumipat na sa UAAP simula noong 1980’s.

Kung mananalo pa sa Season 93 ang Red Boo­ters para sa kanilang pang-22nd titulo, makukuha na nila ang all-time record ng NCAA sa football discipline.

Maghaharap ang San Beda at EAC Generals sa alas-2 ng hapon at tiyak ang mainit na sagupaan ng dalawang koponan.

Dinomina ng San Beda ang football event sa naka­raang dalawang dekada ng masungkit nila ang mahigit 14 titulo sa kabuuang 16 na torneo.

Nabigo lamang ang Red Booters noong 2009 ng angkinin ng St. Benilde Blazers ang korona at sa 2015 ng mag-kampeon naman ang Arellano University.

Sa ibang laro, magta­tagpo ang St. Benilde laban sa Mapua sa alas-4 ng hapon habang magtatagisan ng husay ang Arellano Chiefs at Perpetual Help Altas sa alas-6 ng gabi.

“It’s going to be an exci­ting football season, that’s for sure,” sabi naman ni Peter Cayco ng Arellano University, ang chairman ng football committee.

Sa Juniors division, uumpisahan din ng San Beda ang pagdedepensa sa korona laban sa Perpe­tual Help Altalettes sa Nobyembre 27.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with