^

PSN Palaro

Perez solido ang performance sa 5-sunod na panalo ng F2 Logistics

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nananatili sa solo liderato ang F2 Logistics Cargo Movers sa kanilang malinis na 5-0 win-loss kartada bunga sa matikas na laro na ipinakita ng Venezuelan import na si Maria Jose Perez.

Sa kanilang limang sunod na panalo, naging mabigat na kontender ang Cargo Movers para sa korona ng 2017 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix.

Dahil sa taglay na hu­say, nahirang si Perez bilang PSL Press Corps Chooks to Go-Player of the Week mula Nobyembre 11 hanggang 18.

Tinalo ng Cargo Movers ang Cocolife, Generika-Ayala at Victoria Sports-UST sa straight-sets lamang kaya inaasahang mapapaaga ang kanilang pagpasok sa quarterfinal round.

Umiskor si Perez ng 14 atake at dalawang aces para sa kabuuang 17 puntos laban sa Asset Mana­gers at sinundan pa ng 14 puntos kabilang na ang 12 atake kontra sa Lifesavers.

Sa huli nilang laro no­ong nakaraang Sabado sa De La Salle Sentrum sa Lipa City, umani na naman si Perez ng 14 puntos kabilang ang 12 atake sa magaang pa­nalo laban sa UST-Victotia Sports.

Nagwagi si Perez sa lingguhang parangal laban sa mga magagaling na imports na sina teammate Kennedy Bryan, Lindsay Stalzer ng Petron at Sara Klisura ng Foton.

Kahit si coach Ramil de Jesus ay nagpahayag ng malaking tiwala kay Perez kaya lang maaga pa para magsabi tungkol sa kanilang magandang kampanya.

“I (also) think that we come to every match mentally prepared. You know, it’s very important to keep our mental toughness because the Superliga is a very tough competition. All players here are very good,” dagdag ni Perez.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with