^

PSN Palaro

FEU humirit ng rubber match

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
FEU humirit ng rubber match

Pinipigilan ni Isaac Go ng Ateneo sina Barkley Ebona at Alejandro Inigo ng FEU. Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Ginulantang ng Far Eastern University ang top seed Ateneo de Manila University sa bisa ng 80-67 demolisyon upang maipuwersa ang rubber match sa kanilang UAAP Season 80 men’s basketball tournament Final Four showdown kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Mainit ang palad ni Ron Dennison nang bumanat ito ng 17 puntos buhat sa 7-of-13 shooting para pamunuan ang Tamaraws na burahin ang twice-to-beat card ng Blue Eagles.

Humatak din si Dennison ng walong rebounds gayundin ng tatlong assist at dalawang steals habang nakatuwang nito si Arvin Tolentino na naglista ng 13 markers, tatlong boards, isang assist at isang steal.

Maganda rin ang kontribusyon ni Hubert Cani na may 11 puntos at ni Prince Orizu na nagdagdag ng 10 puntos samantalang may siyam na puntos, pitong rebounds at dalawang assists sis Richard Escoto.

“Right now we haven’t done anything yet. Ang nakuha lang namin was to take away twice to beat advantage ng Ateneo. We’re looking forward to Wednesday game. We need to stop a very strong team in Ateneo,”  pahayag ni  Tamaraws mentor Olsen Racela.

Nagsilbing lider ng Blue Eagles si Thirdy Ravena na kumana ng 17 puntos at anim na rebounds habang nagtulong ang magkapatid na sina Mike Nieto at Matt Nieto sa pagkolekta ng 24 markers.

Nagawang makapag-convert ng Tamaraws ng 17 puntos mula sa 16 turnovers Blue Eagles. Taliwas sa panig ng Ateneo kung saan tanging pito lamang ang nakuha nito mula sa 13 errors ng FEU.

Mataas ang shooting percentage ng Tamaraws na may 31-of-63 para sa 49.21 percent laban sa 36.62 lamang ng Blue Eagles mula sa 26-of-71.

Hindi naramdaman si Chiz Ike para sa Ateneo kung saan tanging apat na boards at isang steal lamang ang nagawa nito sa 19.50 minutong paglalaro matapos magmintis sa limang pagtatangka.

Ang magwawagi sa FEU at Ateneo ang siyang haharap sa nagdedepensang De La Salle Univer­sity sa best-of-three championship showdown.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with