^

PSN Palaro

Blatche sumama na sa training ng Gilas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ngayon ay makakahinga na nang maluwag si national head coach Chot Reyes.

Dumating na sa Pilipinas si naturalized player Andray Blatche kahapon ng umaga mula sa China at kaagad sumama sa ensayo ng Gilas Pilipinas.

Ang 6-foot-11 na si Blatche, may kasamang dalawang kaibigan, ay sinalubong ni Gilas Pilipinas team manager Butch Antonio sa airport kung saan sila naglabas ng isang selfie photo sa kanyang Instagram account.

“Welcome home Andray,” nakasulat sa caption ng nasabing Instagram photo ni Antonio na may hashtags na #labanpilipinas #puso.

Huling naglaro si Blatche para sa Nationals noong May sa kanilang pagsabak sa 2017 Southeast Asian Basketball Association championship sa China.

Hindi naman sumama ang 31-anyos na NBA ve­teran sa paglahok ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon dahil sa usapin sa seguridad kaya hinugot ni Reyes si Fil-German Christian Standhardinger.

Noong Nobyembre 12 pa inasahan ni Reyes na darating si Blatche para sumama sa ensayo ng Nationals.

Ngunit pinakiusapan si Blatche ng kanyang mother ballclub na Xinjiang Flying Tigers na tulungan ang kanyang koponan sa unang dalawang asignatura sa Chinese Basketball Association.

Sinabi ni Reyes na nasa kondisyon si Blatche at handang tulungan ang Gilas Pilipinas sa kampanya sa FIBA Basketball World Cup 2019 Asian Qualifiers.

Kasama si Blatche, bibiyahe ang Nationals patu­ngong Tokyo bukas para labanan ang Japanese team sa Nobyembre 24 sa Komazawa Gymnasium.

Matapos ang Japan ay lalabanan naman ng Gilas Pilipinas ang Chinese-Taipei sa Nobyembre 27 sa Smart Araneta Colisuem.

Samantala, posibleng hindi na makasama si Globalport scoring guard Terrence Romeo sa Final 12 na ihahayag ni Reyes para sa unang bahagi ng ‘home-and-away’ window series ng FIBA Asian Qualifiers dahil sa ankle injury nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with