^

PSN Palaro

La Salle sa finals na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang malakas na puwersa ang inilabas ng nagdedepensang De La Salle University sa huling kanto upang itakas ang 82-75 come-from-behind win laban sa Adamson University at pormal na panain ang unang silya sa finals ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Muling naglatag ng halimaw na laro si two-time MVP Ben Mbala nang rumatsada ito ng 27 puntos mula sa 8-of-13 shooting clip kasama ang 14 rebounds at dalawang steals habang nagparamdam din si Leonard Santillan na umiskor ng 15 puntos at walong boards sa panalo ng Green Archers.

Naasahan din si Ricci Rivero na kumamada ng 14 puntos, anim na rebounds, anim na assists at dalawang steals habang may pinagsamang 12 puntos sina  Aljun Melecio at Kib Montalbo.

“We were focused especially on defense. My players gave their all and listened to us at the halftime. It games like this, you have to do everything you can or even more just to win the game,” wika ni La Salle head coach Aldin Ayo.

Maganda ang inilaro ng Soaring Falcons sa unang tatlong quarters para kapitan ang 63-54 bentahe bago pumasok sa fourth frame.

Ngunit nagpasabog ang Green Archers ng 14-0 run sa pagsisimula ng final period sa likod nina Melecio, Jollo Go at Abu Tratter para burahin ang abante ng Soaring Falcons at maagaw ang kalamangan, 68-63.

Sinubukang makabalik sa porma ng Adamson nang kumana si Kristian Bernardo ng back-to-back baskets kasunod ang umaatikabong tres ni Robbie Manalang para makaditkit sa 70-71 sa hu­ling tatlong minuto ng laban.

Subalit iyon na lamang ang nakayanan ng Soa­ring Falcons matapos humarurot sina Santillan at  Rivero sa mga nala­labing minuto para tuluyang makuha ang panalo.

Nanguna sa panig ng Soaring Falcons si Jerrick Ahanmisi na naglista ng 17 markers.

Nalimitahan naman si Papi Sarr sa anim na puntos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with