^

PSN Palaro

Lady Bulldogs jins mainit ang simula

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinakmal ng nagdedepensang National University ang De La Salle University, 5-2 upang magarbong simulan ang kanilang kampanya sa women's division ng UAAP Season 80 taekwondo tournament kahapon sa Blue Eagle Gym.

Nanguna sa kam­pan­ya ng Lady Bulldogs sina Aragon sisters Rhezie at Rheza matapos magtala ng impresibong panalo sa kani-kanilang weight classes.

Namayani rin ang University of Santo Tomas laban naman sa University of the East, 6-1 habang nagwagi ang Ateneo de Manila University sa University of the Philippines, 4-3.

Nakabawi naman ang La Salle nang panain nito ang 5-2 panalo sa Far Eas­tern University.

Sa men’s division, na­ngunguna ang University of the Philippines na may malinis na 2-0 rekord.

Nanalo ang Fighting Maroons sa Growling Tigers sa iskor na 4-3 habang namayani rin ito sa Blue Eagles sa bisa naman ng 6-1 desisyon.

Wagi rin ang Bulldogs laban sa Green Archers, 5-2 gayundin ang Tamaraws  kontra naman sa Red Warriors, 5-2.

Napasakamay naman ng UST ang juniors championship crown sa likod ni Season MVP Israel Cantos.

Pumangalawa naman ang NU habang ikatlo ang De La Salle-Zobel.

Nauna nang nasiguro ng UST ang korona sa poomsae event sa likod nina Jocel Ninobla at Rodolfo Reyes Jr. (CCo)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with