^

PSN Palaro

F2 logistics iiwas mapingasan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hangad ng F2 Logistics na mapanatili ang malinis na kartada sa kanilang paghaharap laban sa Generika-Ayala habang target ng Cocolife ang pangatlong panalo sa pakikipagtagpo kontra Iriga City ngayon sa pagpapatuloy ng  2017 Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Tangan ang 3-0 win-loss record, itataya ng Cargo Movers ang solo liderato sa pakikipagtipan laban sa Lifesavers sa  alas-7 ng gabi pagkatapos ng laban ng Asset Mana­gers at Oragons sa alas-4:15 ng hapon.

Kung mananalo ang Cargo Movers nina Kennedy Bryan, Abby Maraño, Kim Fajardo, Dawn Macandili, Aduke Christine Ogunsaya, Kim Dy at Mary Joy Baron, mananatili sila sa solo liderato ngunit kung matatalo ay babagsak sila sa pangatlong puwesto (3-1) sa likuran ng Petron (5-1) at Foton (4-1).

Para makaiwas sa pagkahulog, titiyakin ng tropa ni coach Ramil de Jesus na maging consistent sa atake, blocking at serves para mapigilan ang tangkang paninilat ng Lifesa­vers.

Samantala, tinalo ng Petron ang nagdedepensang Foton, 25-21, 25-21, 12-25, 25-20  para umakyat sa solo second spot sa 5-1 slate at ibagsak ang three-peat seeking Foton sa ikatlong upuan sa 4-1 card.

Umiskor ang Amerikanong import na si Lindsay Stalzer ng 23 puntos kabilang na ang 20 atake habang si Hilary Hurley ay nagdagdag ng 20 puntos, 15 mula sa atake para tapusin ang laban. (FC)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with