^

PSN Palaro

Lady realtors nakabangon na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangangailangan lamang ng tatlong sets ang Sta. Lucia para padapain ang University of Sto. To­mas-Victoria Sports, 25-19, 25-21, 25-19 upang pu­masok sa win column sa pagpapatuloy sa 2017 Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Sa kabila ng kanilang kabuuang 23 errors, nagawa pa rin ng Lady Realtors na tapusin ang laro sa loob ng 72 minuto lamang sa pangunguna ng imports na sina Marisa Field at  Bohdana Anisova.

“We find a way to win. We work together well that’s why we were able to control the game. There are still many things that we have to improve especially limiting our errors,” ani Field.

Umiskor ang Ukranian import na si Ani­sova ng 13 puntos habang ang Australian na si Field at Pamela Lastimosa ay may tig-11 puntos para maitala ang unang panalo ng Lady Realtors sa apat na laban.

“Na-miss ko rin ang UST. Pero laro lamang ta-­ ­­l­a­ga. Most of them (UST) ay close ko rin dahil karamihan naabutan ko pa sila dahil last year lamang ako umalis,” sabi naman ni Pam Lastimosa na da­ting Tigresses at ngayon ay pinangunahan ang Lady Realtors.

Bunga ng kabiguan, lalong nabaon ang T­igresses sa ilalim ng stan­ding sa 0-3 win-loss kartada at kailangang manalo sila sa susunod na laro laban sa F2 Logistics sa Sabado para manati­ling buhay ang pag-asa na makapasok sa susunod na round.

Pinangunahan ni Dimdim Pacres ang Tigresses sa kanyang siyam na puntos habang si Caitlyn Viray at Carla Sandoval ay umani ng tig-walong puntos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with