PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

PSL 125th Series dadayo sa Bicol

Sina PSL President Susan Papa at Commodore Dante Jimenez kasama ang mga swimmers mula sa Bicol region na lalahok sa PSL 125th National Series.

MANILA, Philippines — Darayo ang Philippine Swimming League (PSL) sa Bicol Region upang ipagpatuloy ang paghahanap ng mga matitikas na swimmers kung saan isasagawa ang 125th PSL Short Course Swim Meet na gaganapin sa Nobyembre 18 sa Mariner’s Polytechnic Colleges Foundation sa Rawis, Legazpi City.

Ang torneo ay magsisilbing tryout para sa international competitions kabilang na ang Phuket Invitational Swimming Championship, Indian Ocean All Star Challenge sa Perth, Australia at sa Hamilton Swimming Championship sa Dubai, United Arab Emirates.

“This is the 4th Swim Meet of Commodore Jaime Jimenez spearheaded by Falcon swim team headed by Awie Adornado and Ibalong Magayon Swim Club Arlon Rances. Commodore Dante Jimenez, president of Mariners Polytechnic Foundation helped PSL  by allowing the free use of the pool and accommodation in Rawis,” wika ni PSL President Susan Papa.

Bibigyan ng medalya ang tatlong mangunguna sa bawat age band habang nakaabang naman ang tropeo para sa mga tatanghaling MOS sa bawat dibisyon.

Nagkumpirma na ng partisipasyon ang mga pambato ng Bataan, Quezon province, Laguna, Dipolog, Camarines Norte, Camarines Sur, Naga City, Albay Bicol, Quezon City at iba pang koponan mula sa Metro Manila.

“By staging this kind of tournaments, we will be able to identify the swimmers who have the potential of becoming a champion in the future. This short course program of PSL helps a lot of swimmers sustain their interest and continue to train,” ani Papa.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ilan sa produkto ng motivational meets ay sina PSL Swimmer of the Year awardees Marc Bryan Dula at Trump Luistro na parehong humahakot ng ginto sa mga international competitions.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: