PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pica-Cruz tandem sibak sa Capadocia sisters

Marian Jade Capadocia

36TH PCA OPEN

MANILA, Philippines — Nagsanib-puwersa ang Capadocia sisters na sina Marian Jade at Jella upang makasikwat ng tiket sa ladies’ doubles quarterfinals kahapon sa 36th Philippine Columbian Association (PCA) Open sa PCA indoor shell-clay courts sa Paco, Manila.

Kinailangan lamang ng top-seeded pair na sina Marian Jade at Jella ng sapat na lakas para patalsikin sina Bianca Pica at Cheli Cruz sa bendisyon ng 6-1, 6-0 demolisyon sa torneong may nakalaang kabuuang P500,000 premyo.

“Kabisado na namin ang galaw namin sa loob ng court but there’s still some room for improvement. Hopefully, malimit pa namin yung errors sa next game namin,” ani Marian Jade na four-time champion sa ladies’ singles.

Makakatipan ng Capadocia sisters sa quarterfinals sina Tracy Llamas at Melanie Faye Dizon na sinorpresa sina Aileen Rogan at Japanese partner Noriko Yamada, 7-6 (5), 6-3.

Madali rin ang daang tinahak nina second seeds Clarice Patrimonio at American Madison Kane na hindi pinaporma sina Gene Meledez at Mary San Jose, 6-0, 6-0  para makasungkit ng quarterfinals slot.

Naisaayos nina Patrimonio at Kane ang pakikipagtuos kina Jed Aquino at Jenni Dizon na namayani kina Angela Gomez at Bea Gomez, 6-2, 6-2 sa event na suportado ng The Philippine Star, Asian Traders Dunlop, Stronghold Insurance, Whirlpool/Fujidenzo, Head, United Auctioneers, Pearl Garden Hotel, Babolat, Tyrecorp Inc., PVL Restaurant, Greenfield Marketers One, Mary Grace Foods Inc., Coca-Cola Philippines-FEMSA, Kraut Art Glass, Manuel Misa at Atty. Antonio Cablitas.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa men’s doubles, pasok sa third round sina Patrick John Tierro at Jeson Patrombon na nanaig kina Jerry Bernaber at Mark Irvin Concepcion (6-0, 6-0); Johnny Arcilla at Ronard Joven na namayani kina Arthur Salibio at Athan Arejola (6-1, 6-2) at sina Kim Saraza at Fritz Verdad na nanalo kina Julian Dayrit at Anton Punzalan (6-3, 6-4).  

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: