PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Tabora kumakasa pa; Jumapao laglag na

MANILA, Philippines — Tumapos sa ikawalong puwesto si Southeast Asian Games bronze medalist Krizzah Tabora matapos ang four-block qualifying upang umusad sa second round ng 53rd Bowling World Cup na ginaganap sa Bol 30 sa Hermosillo, Mexico.

Humakot si Tabora ng kabuuang 5,098 pinfalls mula sa 1,364 sa first block, 1,223 sa second block, 1,262 sa third block at 1,249 sa fourth block sa women’s division ng torneong may basbas ng World Bowling.

Nanguna sa qualifying si reigning champion Jenny Wegner ng Sweden na nagpagulong ng 5,453 kasunod sina Vanessa Timter ng Germany (5,283), Rocio Restrepo ng Colombia (5,258), Eric McCarthy ng Amerika (5,161), Siti Safiyah Amirah Abdul Rahman ng Malaysia (5,149), Rebecca Whiting ng Australia (5,106) at Maribel Orozco ng Mexico (5,099).

Nagkwalipika rin sina Sanna Pasanen ng Finland (5,038), Edith Quintanilla ng El Salvador (5,016), Miranda Panas ng Canada (4,912), Ghislaine Stigter-Van Der Tol ng Netherlands (4,907), Suzanne Howell ng New Zealand (4,867), Aumi Guerra ng Dominican Republic (4,851) at Lorna Scott ng England (4,841).

Ang iba pang nakapasok sa Top 24 ay sina Sarolta Dosztaly ng Hungary, Ase Jacobsen ng Norway, Stephanie Martins ng Brazil, Maria Koshel ng Russia, Adile Sevgi Michajlow ng Turkey, Stephanie Dubourg ng France, Melania Rossi ng Italy, Bauke Jespers ng Belgium at Shuk Han Chan ng Hong Kong.

Maglalaro ang 24 qualifiers ng walong games upang madetermina ang Top 8 na papasok sa round-robin quarterfinal stage.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa men’s division, tuluyan nang nasibak si Jomar Jumapao na nalaglag sa ika-33 puwesto tangan ang 4,757 pinfalls.

Nangibabaw sa qualifying sina Ahmad Muaz Mohd Fishol ng Malaysia (5,334), Jakob Butturff ng Amerika (5,298), Oscar Rodriguez ng Colombia (5,252), Mats Maggi ng Belgium (5,249) at Nicola Ponglini ng Italy (5,232).

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: