PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

James, Cavs sapaw sa tikas ni Harden

Pinanood na lang ni LeBron James ng Cavs ang patirang si James Harden ng Rockets.

HOUSTON -- Naisuko ng Rockets ang itina­yong malaking kalama­ngan, ngunit nakabalik sa kanilang porma para paluhurin ang Cleveland Cavaliers, 117-113.

Bumandera si James Harden para sa pagtatala ng Houston ng 35-26 abante sa third quarter at nalampasan ang paghahabol ng Cleveland para iposte ang kanilang pa­ngatlong sunod na panalo.

“Try to study the game and get better. Listen to people around me that push me and motivate me and try to be the best I can be. It’s pretty simple,” sabi ni Harden, muling umukit ng triple-double sa kinamdang 35 puntos, 11 rebounds at 13 assists.

Matapos ilista ng R­ockets ang 18-point lead ay inagaw ng Cavaliers ang two-point advantage.

Sa likod ni Harden,  muling nakuha ng Houston ang kontrol sa laro para talunin ang Cleveland.

Itinaas ng Rockets ang kanilang record sa 9-3.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nabigo naman ang Cavaliers na maduplika ang nauna nilang pa­nalo laban sa Milwaukee Bucks para sa kanilang pang-pitong kabiguan sa 12 laro.

Humataw si LeBron Ja­mes ng 33 points at 7 assists subalit may 9 turnovers, nagdagdag si Jeff Green ng 27 markers mula sa bench para sa Cleaveland.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: