PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Herndon pumirma na sa Star

MANILA, Philippines — Isang 6-foot-3 wingman ang inaasahang makakatulong sa kampanya ng Star para sa 43rd season ng PBA na magsisimula sa Disyembre 17.

Pinapirma ng Hotshots ng two-year contract si No. 6 overall pick Robbie Herndon para makatuwang nina Marc Pingris, PJ Simon, Mark Barroca at Jio Jalalon.

Unang nakita sa ak­syon ang Fil-Am sa PBA D-League para sa Victoria Sports bago kinuha ng Marinerong Pilipino.

Para makuha si Herndon, kasama si Gian Abrigo, mula sa Globalport ay isinuko ng Star sina No. 9 Lervin Flores, No. 14 Joseph Gabayni at No. 16 Julian Sargent.

Si coach Pido Jarencio ang muling gagabay sa Batang Pier matapos magsumite si mentor Franz Pumaren ng leave of absence para sa kampanya ng Adamson Falcons sa UAAP.

Samantala, hinugot naman ng TNT KaTropa si No. 8 pick overall Sidney Onwubere mula sa Phoenix kapalit ni No. 11 selection Jonjon Gabriel.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Maliban kay Onwubere, ang top rebounder ng Emilio Aguinaldo College Generals sa NCAA, nasikwat din ng Tropang Texters ang 2019 second round pick ng Fuel Masters matapos ibigay si back-up big man Justine Chua.

Ibinigay naman ng Phoenix si big man Michael Miranda sa NLEX para makuha ang 2018 second-round pick ng Road Warriors.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: