PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

FEU, Adamson agawan sa krusyal na panalo

MANILA, Philippines — Puntirya ng Far Eastern University na masungkit ang huling tiket sa Final Four sa pakikipagtipan nito sa Adamson University ngayong hapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Magtutuos ang Tamaraws at Soaring Falcons sa alas-4 ng hapon habang magpapang-abot naman ang National University at University of the Philippines sa alas-2.

Hangad ng FEU na manalo upang makumpleto ang semis cast kasama ang nangungunang A­teneo de Manila University (13-0), nagdedepensang De La Salle University (11-2) at Adamson (9-4).

Kasalukuyang nasa ikaapat ang Tamaraws tangan ang 6-7 rekord habang nakabuntot sa ikalima ang Bulldogs at Fighting Maroons na parehong may 5-8 baraha.

Parehong umaasa ang NU at UP na matalo ang FEU sa Adamson upang mauwi sa playoff ang bakbakan para sa No. 4 spot.

Kung matalo ang Ta­maraws, haharapin nito sa playoff ang magwawagi sa laban ng Bulldogs at Figh­ting Maroons.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ngunit ayaw na ng FEU na maging kumplikado ang kanilang pagdaraanan bago makapasok sa semis.

Kaya naman ibubuhos na nito ang lahat ng ka­ni­lang lakas para pigilan ang Adamson.

Nais ng Tamaraws na kalimutan ang kanilang masaklap na 84-87 kabiguan sa Bulldogs noong Miyerkules sa kabila ng record-breaking na 18 three-pointers.

Mataas pa rin ang moral ng FEU na handang gawin ang lahat upang makabalik sa semis.

“We still have a chance. We just need to win our game against Adamson,” pahayag ni FEU coach Olsen Racela.

Subalit hindi basta-basta isusuko ng Adamson ang laban dahil nais nitong magkaroon ng magandang momento sa pagpasok sa Final Four.

Nakasakay ang Soa­ring Falcons sa 86-70 demolisyon laban sa Fighting Maroons noong nakaraang linggo.

Mamanduhan ang A­damson nina Papi Sarr at Jerie Pingoy kasama si Jerrick Ahanmisi.

Tatapatan naman ito ng FEU sa pangunguna nina Arvin Tolentino at Ron Dennison na parehong may limang tres sa kanilang huling laro.

Susuporta rin sina Wendell Comboy, Hubert Cani at Alejandro Inigo. CCo

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: