PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

MVP si Perez

Si CJ Perez , hinirang na Most Valuable Player ng liga. Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Matamis na nasungkit ni CJ Perez ng Lyceum of the Philippines ang Most Valuable Player award sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagrehistro si Perez ng averages na 19.3 points, 6.5 rebounds, 3.6 assists at 1.9 steals para makuha ang natatanging parangal.

Si Perez ang unang Pinoy cager na nakasikwat ng MVP plum sapul noong Season 90 nang angkinin ni Scottie Thompson ang korona.

Inangkin naman ni Jaycee Marcelino ng Lyceum ang Rookie of the Year award habang napasakamay ni Jed Mendoza ng Jose Rizal University ang Most Improved Player plum at nakuha ni Prince Eze ng University of Perpetual Help System Dalta ang Def ensive Player of the Year.

Pinangunahan din ni Perez ang Mythical Five kasama sina Eze, Mike Nzeusseu ng Lyceum, Javee Mocon ng San Beda at Sidney Onwubere ng EAC.

Sa juniors, pinangalanang MVP si Will Gozum ng Mapua habang si Inand Fornillos ng La Salle Greenhills ang Rookie of the Year. CCo

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: