PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Isa na lang sa San Beda

Pinagtulungang supalpalin nina Armand Noah at Franz Abuda ng San Beda si Jesper Ayaay ng Lyceum sa Game 1 ng NCAA Season 93 men’s Finals. Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Pumutok si Robert Bo­lick sa krusyal na sandali ng laro upang hatakin ang nagdedepensang San Beda College sa 94-87 panalo laban sa Lyceum of the Philippines sa Game 1 ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament best-of-three championship series kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Napantayan ni Bolick ang kanyang career-high na 24 points tampok ang 11 sa fourth quarter kasama ang apat na rebounds, dalawang assist at isang steal habang halimaw din si Ca­meroonian Donald Tankoua na may double-double na 27 points, 20 boards, dalawang assist, isang steal at isang block .

“Mahirap talagang kalaban ang Lyceum dahil ma­galing sila dumepensa. Hindi mo alam kapag tumalikod ka nandiyan na pala sila kaagad they’re really a good team. Nung last (minutes) gusto ko lang sumigaw dahil pagod na pagod na talaga. Naghahanap lang ako ng motivation na laban lang, puso lang,” ani Bolick.

Nagdagdag naman si Davon Potts ng 15 markers gayundin sina Javee Mocon at Ac Soberano na may pinagsamang 19 puntos para sa Red Lions na siyang dumungis sa imakuladang rekord ng Pirates.

Hindi sapat ang pinagsikapang 25 puntos ni CJ Perez gayundin ang 25 kabuuang puntos nina Mike Nzeisseu at Jesper Ayaay para sa Lyceum.

“We’re still the underdog, we just only win one game against Lyceum and it’s not yet over, we still have to win one more game. I just give credit to my players today. We’re down by more than 12 points and they never gave up,” wika ni San Beda mentor Boyet Fernandez.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Hawak ng Pirates ang 59-53 kalamangan sa ikatlong kanto nang magpasabog ang Red Lions ng 11-1 run sa pangunguna ni Tankoua para maagaw ang bentahe, 64-60.

Agad itong naitabla ng Lyceum sa 64-all sa pagsisikap nina Ayaay at Perez bago pumasok sa huling kanto.

Mainit ang palitan ng dalawang tropa sa fourth quarter kung saan nasilayan ang anim na deadlocks kabilang ang huling pagtatabla sa 80-all sa huling tatlong minuto.

Gamit ang malalim na karanasan, umariba ng husto ang San Beda nang ilatag ang 11-2 atake tampok ang walo mula kay Bolick at tatlo naman galing kay Mocon tungo sa 91-82.

Ito ang naging matatag na pundasyon ng Red Lions para makuha ang panalo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: