PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Batang Pinoy Visayas Leg bubuksan ni Ramirez ngayon

DUMAGUETE CITY, Philippines — Posibleng ito na ang pinakahuling pagkakataon na gagawin ng Philippine Sports Commission ang Batang Pinoy program.

Ito ay dahil ang nasabing multi-sports competition para sa mga batang may edad 15-anyos pababa ay kapareho din ng isinasagawang Palarong Pambansa na para naman sa mga student athletes sa elementary at secondary level.

Sinabi ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez na pag-aaralan pa ng PSC Board kung dapat nang itigil ang pagpapatupad sa Batang Pinoy program.

Ang mga batang sumasali sa Batang Pinoy ay kumakatawan sa kanilang mga Local Government Units (LGUs) na nagrereklamo ng malaking gastusin.

Ang mga student athletes namang lumalahok sa Palarong Pambansa ay pinopondohan ng kanilang mga rehiyon. Nakatakdang pangunahan ni Ramirez ang opening ceremonies ng Batang Pinoy Visayas Leg ngayong hapon.

Humigit-kumulang sa 3,500 batang atleta ang mag-aagawan para sa gold, silver at bronze medal sa 19 sports disciplines.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: