PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Tabora pasok sa 2nd round ng BWC

MANILA, Philippines — Pasok pa rin sa Magic 24 si Southeast Asian Games bronze medalist Krizzah Tabora matapos ang third block sa women’s division ng prestihiyosong 53rd Bowling World Cup na ginaganap sa Hermosillo, Mexico.

Nasa ikapitong puwesto si Tabora nang mag­pagulong ito ng 179, 259, 197, 206, 214 at 207 para sa kabuuang 1,262 sa third block.

Mayroon nang 3,849 pinfalls si Tabora kasama ang kanyang nakolekta na 1,364 sa first block at 1,223 sa second block.

Tuloy ang magandang ratsada ni reigning champion Jenny Wegner ng Sweden na nanatiling nakakapit sa liderato tangan ang 4,096 kasunod sa ikalawang puwesto si Rebecca Whiting ng Australia (3,970) at ikatlo si Vanessa Timter ng Germany (3,942).

Umangat sa ikalima si Maribel Orozco ng Mexico (3,865) at ikaanim naman si Siti Safiyah Amirah Abdul Rahman ng Malaysia (3,851).

Sa men’s division, ina­alat pa rin si Jumar Juma­pao na nahulog sa ika-30 puwesto hawak ang 3,581 pinfalls.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Umiskor si Jumapao ng 1,164 mula sa 196, 192, 190, 198, 204 at 184 sa third block.

Kinakailangan ni Juma­pao na magpasiklab sa fourth block kung nais nitong makahirit ng tiket sa second round.

Inokupahan ni Ray Teece ng Great Britain ang unang puwesto taglay ang 4,020 habang kasunod sina Oscar Dominguez ng Colombia (3,951), Jakob Butturff ng Amerika (3,946), Arturo Estrada ng Mexico (3,946) at Nicola Pongolini ng Italy (3,915).

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: