PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Celtics sinagasa ang ika-10 dikit vs Lakers

BOSTON — Bumida si Aron Baynes, habang solidong suporta ang ibinigay ni Kyrie Irving.

Pinantayan ni Baynes ang kanyang career high sa kanyang tinapos na 21 points  habang nag-ambag si Irving ng 19 markers para pangunahan ang 107-96 panalo ng Celtics laban sa Los Angeles Lakers.

Ito ang ika-10 sunod na arangkada ng Boston.

Nagdagdag si Baynes ng 8 rebounds at 3 assists para sa 10-2 record ng Boston, hindi nakuha ang serbisyo ni center Al Horford na inilagay sa concussion protocol bago ang laro.

Kinuha ng Celtics ang 20-point lead sa second quarter bago nakadikit ang Lakers sa two-point deficit sa third period.

Ngunit sa final period ay tumipa lamang ang Los Angeles ng 5-of-18 fieldgoal shooting kasama ang anim na turnovers na sinamantala ng Boston para angkinin ang panalo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Binanderahan nina Brandon Ingram at Fil-Am Jordan Clarkson ang La­kers mula sa kanilang tig-18 points habang kumolek­ta si Julius Randle ng 16 points at 12 rebounds.

Sa kabuuan ng laro ay binuska ng Boston fans si Los Angeles rookie Lonzo Ball sa tuwing hahawakan niya ang bola.

Nagtapos ang No. 2 overall pick na may 9 points, 6 assists at 5 rebounds.

Pansamantalang inilabas si Irving sa pagitan ng third at fourth quarters dahil sa pananakit ng kanyang kanang binti.

Sa kanyang pagbabalik sa laro ay kaagad siyang tumipa ng back-to-back baskets pata hatakin ang   Boston sa 100-90 abante.

Sa iba pang laro, tinalo ng Detroit Pistons ang Indiana Pacers, 114-97  habang pinatumba ng Orlando Magic ang New York Knicks, 112-99.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: