PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Lifesavers umiskor sa Oragons

Laro Bukas (Malolos Sports and Convention Center)

 4  p.m.  Iriga  vs Cignal HD  

6  p.m.  F2 Logistics  vs Cocolife

MANILA, Philippines — Kagaya ng inaasahan, madaling nadispatsa ng Generika-Ayala ang Iriga City Oragons, 25-16, 25-15, 25-21  panalo kahapon para tuldukan ang two-game losing skid sa pagpapatuloy ng 2017 Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Umiskor ang Crotian import na si Katarina Pilepic ng 20 puntos kabilang na ang 15 atake, dalawang kill blocks at tatlong aces habang si Angeli Araneta ay umani rin ng 13 atake at dalawang blocks para masungkit ang ikalawang panalo sa limang laban ng Livesavers at  manati­ling buhay ang pag-asang makapasok sa susunod na round.

Hindi nakalaro ang Amerikanong import na si Darlene Ramdin dahil nagpapagaling sa food poiso­ning, ngunit nagtulong-tulong sina Chloe Cortez at Shaya Adorador para ipalasap sa Oragons ang ikalawang talo sa tatlong laban.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“Nagkaroon si Darlene ng food poisoning. So she’s still recovering. Medyo na dehydrate nang konti pero okay na siya ngayon. Hindi lang namin siya pinupuwersa,” sabi ni Generika coach Francis Vicente.

Si Adorador ay umani ng pitong puntos habang si Cortez ay tumulong ng anim para tapusin ang laro sa isang oras at 20 minuto lamang.

“We are just motivating them in terms of mindset kasi I think that’s very important in a team. Iyung mindset nila towards any game. So ‘yun nga ‘yung mindset nila. They have to set their minds towards winning lalo na ngayon nanalo sila. So, gamitin nilang motivation ‘yun to step up, especially the locals,” ayon kay coach Vicente.

Dahil sa pagkawala ni ace player at dating NCAA three-time MVP Grethcel Soltones, malamig ang opensa at depensa ng O­ragons kaya magaang natapos ang una at ikalawang sets. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: