PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

3 teams sa majority bloc ‘di sasama sa Amerika

MANILA, Philippines — Inaasahang sa planning session sa United States mareresolbahan ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang grupo ng PBA Board of Governors.

Ito ay matapos ma­bigong maplantsa ng mga miyembro ang isyu tungkol sa estado ni Chito Narvasa bilang Commissioner ng professional league sa isang pulong kamakalawa ng gabi.

Tatlong miyembro ng PBA Board ang hindi dadalo sa naturang taunang planning session ng liga sa US.

Ang mga ito ay sina Patrick Gregorio ng TNT Katropa, Mert Mondragon ng Rain or Shine at Raymond Zorrilla ng Phoenix na bumubuo sa majority bloc ng PBA Board.

Dahil dito ay posibleng hindi pa rin makahanap ng resolusyon ang dalawang paksyon kaugnay sa kapalaran ni Narvasa sa Commissionership.

Ang majority bloc, binubuo ng TNT Katropa, Meralco, NLEX, Rain or Shine, Phoenix, Alaska at Blackwater ang gusto nang mawala si Narvasa sa PBA  habang pabor na­man ang San Miguel, Barangay Ginebra, Star, Kia at Globalport na muli siyang bigyan ng panibagong termino bilang  Commissioner.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nag-ugat ang pagdaramdam ng majority group nang payagan ni Narvasa ang trade sa pagitan ng Beermen at Picanto para  sa hawak na No. 1 overall pick ng huli kapalit ng tatlong role players at isang future draft pick sa nakaraang 2017 PBA Rookie Draft.

Ito ang ginamit ng San Miguel para piliin si Christian Standhardinger bilang top selection.

Bukod sa usapin kay Narvasa, tatalakayin din sa planning session ang pormal na paglilipat ng league chairmanship kay Ramoncito Fernandez ng NLEX mula kay Mikee Romero ng Globalport para sa 2017-18 season.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: