PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Folayang handa nang idepensa ang titulo

Nasa larawan sina (kaliwa-pakanan) Eduard ‘Landslide’ Folayang mula sa legendary Team Lakay sa Baguio at Martin ‘The Situ-Asian) Nguyen ng Vietnam na nangako ng magandang laban sa ‘One: Legends of the World’  ngayon. (Joey Mendoza)

MANILA, Philippines — Inaasahang magiging mainit ang pagdedepensa sa titulo ni Eduard ‘Landslide’ Folayang sa kanyang korona sa pagsagupa kay Martin ‘The Situ-Asian’ Nguyen ng Vietnam ngayon sa ‘One: Legends of the World’ sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Si Folayang ang kinoronahan bilang One Lightweight World champion habang si Nguyen naman ang hinirang na One Featherweight World champion.

Batid ni Folayang na mahirap ang susuungin niyang laban, ngunit nangako itong gagawin ang lahat para maibigay ang karangalan sa bansa at ipakita sa lahat na isang world class athlete ang Pinoy.

“Representing the Philippines and showcasing my skills is an honor for me.  Filipinos are truly world-class. We have the ability to hang with the best, no matter what the field. That is why I accepted this challenge in front of me. Join me as I continue my journey this coming Friday. Winning this bout is my top priority, to keep this belt on my shoulder. It is going to be tough, but I have my people to support me. I want to make everyone proud. I want to show the fans that Filipino athletes are world-class,” wika ni Folayang.

Kinikilala naman ni Nguyen ang tibay at husay ni Folayang bilang kampeon pero gagawin din niya ang lahat para maiuwi ang korona para sa kanyang bansa at pamilya.

“I have worked very hard to be in this position. Eduard  Folayang is a great champion and embodies the true values of  martial arts. I know chances like this are very rare. I will do my best to take another world title home for my fa­mily and all of my fans. 2017 has already been a big year for me and I am looking to end it with another belt on my shoulder,” ani Nguyen.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sa ibang laban, maghaharap naman sina Adriano Moraes, ang ONE Flyweight World Champion at Danny Kingad.

“It’s my first time in Manila. I am very excited to compete against a highly-touted prospect like Danny Kingad,” ani Moraes.

Hindi rin magpapatinag si Kingad, ang One Athlete at sinabi nito ang kanyang kahandaan sa laban para sa asam na maging kampeon.

Samantala, mapapanood ang naturang laban ni Folayang ng live sa ABS-CBN S+A  simula sa alas-8:30 ng gabi.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: