PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ching ibabandera ang Pinas sa 15th World Xiangqi Championship

MANILA, Philippines — Pangungunahan ni Engr. Asi Ching ang four-man Team Philippines na sasabak sa 15th World Xiangqi-Chinese chess championship sa Nobyembre 14-20 sa Manila Hotel.

Si Ching ang tanging Pinoy Xiangqi Grandmaster ng bansa.

Mahigit US$40,000  ang kabuuang nakataya sa torneo kung saan inaasahang sasalihan ng 100 manlalaro mula sa 26 bansa.

Ang torneo ay sanctioned din ng World Xiangqi Federation na itinataguyod ng Filipino Chinese Amateur Athletic Federation (FCAAF).

Ayon kay Philippine Xiangqi Federation (PXF) president Wilson Tan, ang PCAAF ay itinatag ni philantropist Jimmy Chan Cuan sa pangangasiwa ni William Gosiaco at PSC chairman William Ramirez.

“Xiangqi is a 2,500-year-old ancient Chinese game popular all over east Asia. The tournament will boost our effort to introduce the sports in the elite level,” sabi ni Tan sa media launching kahapon sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery Café sa Quezon City.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang naturang Xiangqi sports ay kabilang na sa 2022 Asian Games bilang regular sports na gaganapin sa Hangzhou, China kaya kailangan umanong makabuo na ng koponan para sa maagang preparasyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: