PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Spurs kinaldag ang Clippers

Akmang susupalpalin ni DeAndre Jordan ng L.A. Clippers si LaMarcus Aldridge ng San Antonio.

SAN ANTONIO - Humakot si LaMarcus Aldridge ng 25 points at nagsalpak ang Spurs ng season-high 15 three-pointers para talunin ang Los Angeles Clippers, 120-107 at ilista ang kanilang ikatlong sunod na ratsada.

Nagtala ang San Antonio ng ilang season-highs sa pag-angkin sa panalo.

Kumolekta ang Spurs ng season-best 12 steals, habang naduplika naman nina Danny Green, Rudy Gay at Pau Gasol ang kanilang mga best scoring output sa season.

Tumapos si Green na may 24 points, samantalang may 22 at 19 markers sina Gay at Gasol, ayon sa pagkakasunod.

Nagtumpok ang tatlo ng pinagsamang 11-of-15 three-pointers para sa kabuuang 15-of-28 clip ng San Antonio.

Dinomina ng Spurs ang Clippers sa third quarter kung saan sila umiskor ng kabuuang 40 points kumpara sa 21 ng huli.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Anim na triples ang isinalpak ng San Antonio sa nasabing yugto, ang tatlo rito ay nagmula kay Manu Ginobili at ang dalawa ay kay Green.

Pinangunahan ni guard Austin Rivers ang Los A­ngeles mula sa kanyang 24 points kasunod ang 15 markers ni Blake Griffin mula sa malamyang 4-for-13 fieldgoal shooting.

Naglaro ang Clippers na wala si starting small forward Danilo Gallinari sa unang pagkakataon nga­yong season.

Sa iba pang laro, tinalo ng Cleveland ang Milwaukee, 124-119; binigo ng New Orleans ang Indiana, 117-112; iginupo ng Dallas ang Washington, 113-99 at pinadapa ng New York ang Charlotte, 118-113.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: