PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Tabora hulog sa 6th place sa BWC

MANILA, Philippines — Nahulog sa ikaanim na puwesto si national champion Krizzah Tabora matapos ang second block sa women’s division ng prestihiyosong 53rd Bow­ling World Cup na ginaganap sa Hermosillo, Mexico.

Kumpara sa kanyang matikas na ipinamalas sa first block, mababa ang produksiyon ni Tabora sa second block na nagpagulong ng 203, 190, 224, 212, 190 at 204 para sa 1,223 pinfalls.

Sa kabuuan, mayroon nang 2,587 pinfalls si Ta­bora kasama ang kanilang 1,364 sa first block.

Hindi matinag sa u­nang puwesto si reigning champion Jenny Wegner ng Sweden na may 2,763 kasunod sina Vanessa Timter ng Germany (2,706), Rocio Restrepo ng Colombia (2,641), Erin McCarthy ng Amerika (2,617) at Maribel Orozco ng Mexico (2,611).

Pasok sa Top 10 sina No. 7 Rebecca Whiting ng Australia (2,583), No. 8 Siti Safiyah Amirah Abdul Rahman ng Malaysia (2,534), No. 9 Ghislaine Stigter-Van Der Tol ng Netherlands (2,494) at No. 10 Edith Quintanilla ng El Salvador (2,469).

Sa men’s division, na­nganganib na masibak si Jomar Jumapao na nalag­lag sa ika-23 posisyon.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nagtala si Jumapao ng 222, 200, 174, 164, 204 at 216 sa second block para sa maasim na 1,180 produksiyon.

Mayroon nang 2,417 pinfalls si Jumapao matapos ang second block.

Nangunguna sina Arturo Estrada ng Mexico (2,682), Oscar Rodriguez ng Colombia (2,639), Niko Oksanen ng Finland (2,606), Jakob Butturff ng Amerika (2,604), Nicola Pongolini ng Italy (2,589), Luis Montfort ng Catalonia (2,583), Siu Hong Wu ng Hong Kong (2,575), Ahmad Muaz Mohd Fishol ng Malaysia (2,567), James Gruffman ng Sweden (2,566) at Ray Teece ng England (2,560).

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: