PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sold-out na ang tiket sa Gilas-Japan showdown

MANILA, Philippines — Sabik na ang mga Pinoy fans na mapanood ang Gilas Pilipinas na sasa­bak laban sa Japan sa Asian World Cup qualifiers na lalaruin sa Komazawa Gymnasium sa Tokyo, Japan sa Nobyembre 24.

Ayon kay Japan Basketball Association secretary general Michihiro Tanaka, sold out ang lahat ng tiket sa naturang laro kaya’t tiyak na magiging inspirado ang Gilas Pilipinas na makapag­laro sa harap ng mga kababayan nito sa Tokyo.

Tanging 4,000 katao lamang ang kaya ng Ko­mazawa Gymnasium su­balit umaasa ang Gilas Pilipinas na muling lalabas ang Pinoy spirit sa naturang ve­nue bitbit ang kani-kanilang bandila na iwawagayway sa oras na makapupuntos ang bansa.

“I am so pleased to know fans in Japan pay a great deal of attention to the game against the Philippines. I truly hope our team will show their best and start the road to the FIBA Basketball World Cup 2019 with a victory in front of our home fans,” wika ni Tanaka.

Magpapasiklab para sa Gilas Pilipinas si natura­lized player Andray Blatche kasama si four-time PBA MVP June Mar Fajardo.

Lalarga rin sina Terrence Romeo, Calvin Abueva, Japeth Aguilar, Kevin Alas, Raymond Almazan, Baser Amer, Mac Belo, Carl Bryan Cruz, Russel Escoto, Kevin Ferrer, Jio Jalalon, Allein Maliksi, Gabe Norwood, Von Pessumal, Roger Pogoy, LA Revilla, Kiefer Ravena, Troy Rosario, Mike Tolomia, Jayson Castro at Matthew Wright.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Mangunguna naman sa panig ng Japan sina da­ting PBA import Ira Brown, Kosuke Takeuchi, Atsuya Ota, Daiki Tanaka, Makoto Hiejima at Yuko Togashi.

Sa nakalipas na 10 taon, walang magandang puwesto ang Japan sa FIBA Asia Championships. Pinakamataas na naabot nito ang ikaapat na puwesto noong 2015 edisyon sa Changsha, China.

Nasa ikasiyam naman ito noong 2017 FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon.

Gayunpaman, wala sa isip ng Gilas Pilipinas na maging kampante dahil tiyak na determinado ang Japan na bigyan ng magandang palabas ang kanilang mga kababayang daragsa sa venue.

Matapos ang Japan, sunod na makakalaban ng Gilas Pilipinas ang Chinese-Taipei sa Nobyembre 27 sa Smart Araneta Coliseum.

Kabilang din sa mga makakaharap ng Pinoy squad ang Australia sa Peb­rero 22 at ang Japan sa Pebrero 25, Chinese-Taipei sa Hunyo 29  at Australia sa Hulyo 2.

Tanging ang tatlong mangungunang koponan sa bawat grupo ay uusad sa second round ng eliminasyon.

Ang FIBA Asian Qualifiers ang magsisilbing qualifying tournament para sa 2019 FIBA World Cup na gaganapin sa China.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: