PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Vigil, Ortega hangad na mapasama sa line-up ng San Miguel

MANILA, Philippines — Bubuksan ng San Mi­guel ang kanilang training camp sa Lunes kung saan inaasahang magpapakitang-gilas sina rookie draf­tees Louie Vigil at Jerome Ortega para ma­pasama sa final line-up ng 43rd season ng PBA.

Bukod kina Vigil at Ortega, makikipag-agawan din ng puwesto sina reserves Bacon Austria, anak ni head coach Leo Austria at Axel Doruelo para sa nabakanteng posis­yon nina Ronald Tubid at Rashawn McCarthy.

Sina Tubid, McCarthy at Jay-R Reyes bukod pa ang 2019 draft pick ang ibinigay ng Beermen sa Kia Picanto para makuha ang No. 1 overal pick ng nakaraang 2017 PBA Rookie Draft.

Ito ang ginamit ng San Miguel para mahugot si Fil-German Christian Standhardinger.

Ang 6’8 na si Standhardinger ang itatambal ni Austria kay 6’11 June Mar Fajardo, ang four-time PBA Most Valuable Player, para sa front court ng Beermen.

Sa Abril pa makakapag­laro si Standhardinger dahil sa kanyang naunang nilagdaang six-month contract para sa Hong Kong team sa ASEAN Basketball League.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang posisyon naman ng 6-foot-7 na si Reyes ay pinunan naman ni 6’3 forward Michael Mabulac.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: