PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ateneo puro na sa sweep

Naghahanap ng mapapasahan si Matthew Aquino ng NU na napaupo matapos bumangga kay Barkley Ebona habang pasugod ang teammate na si Richard Escoto ng FEU. Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Napigilan ng Ateneo ang mainit na kamada ng University of the Philippines sa bendisyon ng 96-82 panalo para makalapit sa inaasam na sweep sa UAAP Season 80 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Muling bumida si Matt Nieto na nagpasabog ng 19 puntos, apat na rebounds at dalawang assists habang solido ang nakuha nitong suporta mula sa kanyang mga katropa para sumulong ang Blue Eagles sa 13-0 rekord.

Nagdagdag sina Isaac Go at Gian Mamuyac ng tig-13 puntos habang gumawa naman sina Thirdy Ravena at Vince Tolentino ng tig-10 markers sa balanseng ratsada ng Ateneo.

Tatangkain ng Ateneo na makumpleto ang 14-0 pagwalis sa eliminasyon sa pakikipagtipan sa nagdedepensang   La Salle sa Linggo sa parehong venue.

Nahulog sa 5-8 ang Fighting Maroons na nakakuha ng 21 puntos, anim na rebounds at tatlong assists mula kay Juan Gomez De Liano.

Nakapagsumite naman si Paul Desiderio ng 16 puntos at 13 galing kay Jun Manzo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Mula sa 79-all, pinasabog ng Blue Eagles ang 16-3 run para kubrahin ang 95-82 lead tungo sa panalo.

Nagawang makalamang ng Fighting Maroons ng 12 puntos sa ikatlong kanto mula sa mainit na ka­mada ni Gomez De Liano na nagrehistro ng 10 puntos sa naturang yugto.

Subalit agad itong nasawata ng Blue Eagles sa likod nina Nieto at Go para tuluyang lusawin ang pag-asa ng Fighting Maroons.

Umabot sa 17 leadchanges at walong deadlocks ang bakbakan ng Ateneo at UP.

Nakapagrehistro ang UP ng 11-of-23 sa three-point area sa unang tatlong kanto subalit bigo itong makapag-convert sa walong pagtatangka sa fourth quarter.

Sa unang laro, isang ma­lakas na puwersa ang inilatag ng National University sa huling kanto tungo sa 87-84 panalo laban sa Far Eastern University upang muling buhayin ang kanilang tsansa sa Final Four.

Minanduhan nina Issa Gaye at Jayjay Alejandro ang ratsada para kubrahin ng Bulldogs ang ikalimang panalo sa 13 laro.

Bumanat si Gaye ng double-double na  24 points at 11 rebounds habang nagrehistro si Alejandro ng 17 markers tampok ang 11 sa fourth frame.

Nakatulong din si Antonio Joson na nagdagdag ng 13 markers gayundin sina Manuel Mosqueda at Jonas Tibayan na may pinagsamang 15 puntos.

Nahulog sa 6-7 ang Tamaraws para muling paluwagin ang karera sa huling tiket sa Final Four.

Hindi napakinaba­ngan ang tig-21 puntos na pinaghirapan nina Arvin Tolentino at Ron Dennison gayundin ang 30 puntos na pinagtulungan nina Wendell Comboy at Hubert Cani.

Nauna nang nakasiguro ng puwesto sa semis ang Blue Eagles, Green Archers at Falcons dahilan upang maiwan sa Tamaraws, Bulldogs at Fighting Maroons ang bakbakan para sa natitirang ikaapat at huling silya sa Final Four.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: