^

PSN Palaro

Teng, Perkins may kontrata na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — May hanggang nga­yong araw na lamang ang mga PBA teams para bigyan ng offer sheet ang mga players na kanilang kinuha sa nakaraang 2017 PBA Rookie Draft.

Magiging free agent ang mga rookies sakaling hindi sila latagan ng kontrata ng mga koponang pumili sa kanila noong Linggo.

Nagkasundo na para sa detalye ng kanilang mga kontrata sina No 1 overall pick Christian Standhardin­ger ng San Miguel at No. 2 selection Kiefer Ra­vena ng NLEX, habang wala pang kontratang naihahain ang Blackwater para kay No. 3 pick Raymar Jose.

Nauna nang binigyan ng Elite si Allein Maliksi ng contract-extension na nagkakahalaga ng P10.08 milyon sa susunod na dalawang taon.

Pareho namang binigyan ng Phoenix at Alaska ng P8.55-million three-year maximum contracts sina No. 4 overall pick Jason Perkins at No. 5 selection Jeron Teng, ayon sa pagkakasunod.

Kapwa tatanggap ang 6-foot-5 na si Perkins at ang 6’2 na si Teng ng magkatulad na P150,000 kada buwang suweldo sa dara­ting na season kasunod ang P225,000 sa 2018-19 at P337,500 sa 2019-20.

Maliban kay Perkins, pursigido rin ang Fuel Masters na bigyan ng kontrata sina rookies Sidney Onwubere, Jayson Grimaldo, Wilson Baltazar, Roldan Sara at John Karlo Casino.

Napirmahan na ni Perkins ang kanyang kontrata sa Phoenix, gagabayan ni bagong head coach Louie Alas, habang malalagdaan naman ni Teng ang kanyang kontrata pagdating ni Alaska top official Dickie Bachmann mula sa United States.

Hiniling ni Teng na ma­pasama sa Aces ang kanyang kuyang si Jeric, ang No. 12 overall pick ng Rain or Shine noong 2013 PBA Rookie Draft kaya po­sibleng pakawalan na ng Alaska si second-round pick Davon Potts ng San Beda Red Lions. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with