^

PSN Palaro

Reyes sinimulan na ang maigting na training ng Gilas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil itutuloy na ang pagiging closed door ng mga ensayo ng Gilas Pilipinas sa Meralco Gym ay sa social media na lamang ipapaalam ni national head coach Chot Reyes ang mga nangyayari sa kanilang paghahanda.

Sa kanyang Instagram post ay tiniyak ni Reyes na sasakit ang katawan ng mga Nationals bukas matapos ang mabigat na morning at evening practice kahapon.

“Less than 12 hrs after our last practice. These guys are gonna be sore, but that’s the FIBA sked they need to get used to #gilasgrind,” nakalagay sa Instagram post ni Reyes.

Pinagbawalan ni Reyes ang mga miyembro ng Gilas Pilipinas na magbigay ng interview sa gitna ng hindi pagkakaunawaan ng SMC bloc at ng majority group kaugnay sa estado ni PBA Commissioner Chito Narvasa.

Magpapatuloy ang closed door session ng Gilas Pilipinas sa Meralco Gym hanggang umalis sila patungong Tokyo sa Nob­yembre 24 para labanan ang Japan sa pagsisimula ng Asian World Cup home-and-away qualifying series.

Dumating kahapon ang 13 players para sa pag­papatuloy ng kanilang ensayo na pinangungunahan nina four-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo, Jayson Castro, Calvin Abueva, Gabe Norwood, Troy Rosario, Matthew Wright, Raymond Almazan at Allein Maliksi.

Ang iba pang sumama sa two-a-day practice ay sina Mac Belo, RR Pogoy, Carl Cruz, Kevin Alas at Kiefer Ravena.

Inaasahan ni Reyes na makukumpleto ang kanyang 23-man national pool bago sila umalis patungong Tokyo, Japan.

Si Globalport superstar Terrence Romeo ay kasalukuyan namang nasa Saudi Arabia para sa isang promotional tour ukol sa ineendorso niyang produktong Peak, habang hindi pa rin nagpapakita si Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra.

Si naturalized player Andre Blatche ay inaasahan naman ni Reyes na darating sa bansa sa Nob­yembre 12.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with