^

PSN Palaro

Ateneo didikit sa sweep vs UP

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lalapit ang nangungunang Ateneo sa minimit­hing sweep ngunit daraan ito sa matinding pagsubok laban sa University of the Philippines sa pagpapatuloy ngayong hapon ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Magku-krus ang landas ng Blue Eagles at Fighting Maroons sa alas-4:30 ng hapon matapos ang salpukan ng Far Eastern University at National University sa alas-2.

Walang makatibag sa Ateneo na nakasakay sa 12-0 rekord - dalawang pa­nalo na lamang bago makumpleto ang sweep na magdadala sa kanila sa best-of-three finals.

Nakuha ng Blue Eagles ang ika-12 panalo nang paamuhin nito ang University of Santo Tomas sa bisa ng agresibong 102-83 panalo.

Sa nalalapit na pagtatapos ng eliminasyon, wala sa isip ng Ateneo ang maging kampante.

Magsisilbing lider ng A­teneo sina Thirdy Ravena at Matt Nieto na siyang kumayod sa kanilang huling laro.

Kumana si Ravena ng 20 puntos habang nakalikom naman si Nieto ng 19 markers tampok ang limang three-pointers.

Doble ingat ang gagawin ng Ateneo dahil ibubuhos na ng UP ang buong lakas nito upang makabalik sa Final Four race.

Nahulog sa 5-7 rekord ang Fighting Maroons matapos lumasap ng 70-86 kabiguan sa Adamson University noong Linggo.

Kaya naman hahataw ng husto sina Paul Desiderio at Jun Manzo na kumamada ng pinagsamang 35 puntos sa kanilang huling laro.

Samantala, target ng Tamaraws na makuha ang playoff para sa huling Final Four slot.

Lumakas ang tsansa ng FEU sa Final Four nang iselyo ang 79-63 pana­naig sa University of the East para masolo ang No. 4 spot hawak ang 6-6 baraha.

Sasandalan ng Tamaraws sina Jasper Parker, Prince Orizu, Arvin Tolentino at Ron Dennison para pigilan ang anumang pagtatangka ng Bulldogs.

Sa kabilang banda, wala nang puwang ang anumang kabiguan sa NU kung nais nitong manatili sa Final Four race.

Lumasap ng 76-101 kabiguan ang Bulldogs sa kamay ng defending champion La Salle para mahulog sa 4-8 baraha. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with