PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Robinson humanga sa pagmando ni Tab sa Ateneo

MANILA, Philippines — Hindi naitago ni Lyceum of the Philippines University coach Topex Robinson ang kanyang paghanga kay Tab Baldwin at sa Ateneo Eagles.

Sa katunayan ay dinala pa ni Robinson ang kanyang mga players para panoorin ang laban ng Blue Eagles kontra sa University of Santo Tomas Tigers kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.

“I feel my team and I will learn a lot from what Tab Baldwin has brought to Ateneo,” sabi ni Robinson matapos ang 102-83 panalo ng Ateneo laban sa UST para sa ika-12 sunod nitong ratsada

“I also like my players and the whole team to know how it is to play in big games and big venues like this one, I want them to feel the atmosphere,” dagdag pa nito.

Hindi pa naglalaro ang Pirates sa malalaking venues sa labas ng Filoil Arena sa San Juan City dahil hindi sila umaabot sa Final Four at pumuwesto sa ikaanim sapul nang sumali sa NCAA noong 2011

Ngayong season ay nilampasan ng Lyceum ang paglalaro sa Final Four matapos kumpletuhin ang makasaysayang 18-game elimination round sweep patungo sa best-of-three championship series.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Lalabanan ng Pirates ang mananalo sa knockout showdown ng nagdedepensang San Beda Red Lions at San Sebastian Stags sa Martes sa MOA Arena sa Pasay City.

Sa Nobyembre 10 ay pakakawalan ang Game One ng NCAA Finals sa Big Dome.

“I’m not sure if the team before me played in bigger venues, but in my three years here, this will be the first time we’re playing outside San Juan,” ani Robinson. “That’s why we are here to watch the game and to feel the arena (Big Dome).”

Nakatakdang maglaro ang Lyceum sa isang tune up game laban sa ASEAN Basketball League club Alab Pilipinas ngayon bukod sa kanilang two-a-day practice sessions.

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: