^

PSN Palaro

Blu Girls papalo sa Asian Softball Championship

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Handang-handa na ang Philippine Blu Girls para sa 2017 Asian Softball Championship na gaganapin sa Nobyembre 28 hanggang 4 sa Taiwan.

Galing ang Blu Girls sa impresibong kampanya sa dalawang malalaking international tournaments - ang World Cup of Softball XII at ang Canada Cup International Softball Championship.

Tinalo ng Blu Girls ang Asia’s No. 3 Chinese Taipei sa World Cup kaya naman optimistiko ang pamunuan ng Amateur Softball Association of the Philippines (ASAPHIL) na magiging maganda ang kampanya ng Pinay squad.

Layunin din ng Blu Girls na magkwalipika sa 2020 Olympic Games na idaraos sa Tokyo, Japan.

Ginulantang din ng Blu Girls ang world No. 3 Canada ng dalawang beses sa  World Cup at Canada Cup.

Kabilang din sa mga pinataob ng Blu Girls ang world No. 4 Australia at No. 10 Mexico.

Gagamitin ng Blu Girls ang ang Asian Championships upang ma-scout ang kanilang mga karibal para sa qualifying tournament nsa 2020 Tokyo Olympics.

Ang Taiwan meet ay magsisilbing qualifying tournament para sa 2018 World Championships.

Target ng Blu Girls na makalaro sa tatlong Olympic qualifying tournaments sa 2018 at 2019. Ito ay ang World Championships, Asia-Oceania tournament at ang World Open tournament.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with