^

PSN Palaro

Altas Spikers babawiin ang korona

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Altas Spikers babawiin ang korona

Pinaghahandaan na ng miyembro ng Perpetual Help Spikers ang pagbawi ng kanilang titulo sa pagbubukas ng NCAA men’s volleyball sa Nov. 24.

MANILA, Philippines — Asam ng University of Perpetual Help Altas Spi­kers na mabawi ang korona ng National Collegiate Athletic Association (NCAA)  Season 93 men’s volleyball tournament na magsimula na sa Nob­yembre 24.

Malaki ang tiwala ni head coach  Sammy Acaylar sa kakayahan ng 10-time champion Perpetual Help Spikers na makuha muli ang korona na inagaw sa kanila ng College of St. Benilde Blazers noong nakaraang taon.

Para mag-kampeon muli, sasandal si Acaylar sa kanyang mga graduating players na sina Philippine national team libero Jack Kalingking, Manuel Doliente, Rey Taneo at Warren Catipay.

Kabilang din sa mga inaasahan ni Acaylar na magdadala sa Altas Spikers sa kampeonato sina national pool member Ronniel Rosales at Patrick Ramos.

 Ipaparada na rin ng Altas Spikers ang mga bagong recruits na sina 6’2 outside hitter Joebert Almodiel na galing sa Mandaue City, Cebu at outside spiker Ridzuan Muhali na tubong Tawi-Tawi, tosser Mark Bation na galing sa Siquijor, middle blocker Rizalino Zalo at outside spiker Jay Jay Solamilla na taga Dumaguete City.

Matatandaang huling nagkampeon ang Altas ni Acaylar noong Season 91 (2015-2016) bago naagaw ng St. Benilde Blazers sa pangunguna ni Season 92 MVP Johnvic de Guzman, Mark Deximo at Jan Jordan. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with