^

PSN Palaro

Harden ibinangon ang Rockets

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK-- Nagsalpak ang Houston Rockets ng 19 three-point shots, ang anim dito ay nangga­ling kay James Harden, para pabagsakin ang Knicks, 119-97 at makabangon mula sa dalawang sunod na kamalasan.

Tumapos si Harden na may 31 points at 9 assists para sa Houston habang nagdagdag si Ryan Anderson ng 21 markers.

Ito ang pang-walong sunod na panalo ng R­ockets sa Knicks sa Madison Square Garden.

Huling tinalo ng New York ang Houston sa ka­nilang playing court noong Enero 26, 2009 kung saan si Mike D'Antoni, mentor ngayon ng Rockets, ang kanilang head coach.

Umiskor si Tim Har­daway Jr. ng 23 points para sa Knicks, subalit nalimitahan si Kristaps Porzingis sa 19 markers na tumapos sa kanilang three-game winning streak.

 Nauna nang naglista si Porzingis ng higit sa 30 points sa lima sa kanilang unang anim na laro, kasama rito ang career-high na 38 markers sa kanilang panalo laban sa Denver Nuggets noong Lunes.

Sinabi ni D'Antoni nagtala rin ang Houston ng parehong 3-point attempts noong nakaraang season kung saan sila nagposte ng NBA record.

Sa Miami, kumamada si Goran Dragic ng 20 points at nagdagdag si Tyler Johnson ng 19 markers para tulungan ang Heat sa 97-91 panalo laban sa Chicago Bulls para tapusin ang kanilang three-game slide.

Nagbalik si Hassan Whiteside sa aksyon matapos ang five-game absence bunga ng bruised knee at kumolekta ng 13 points at 14 rebounds para sa Miami  may 3-3 record sa kanilang six-game homestand.

Naging regalo rin ito ng Heat para sa ika-47 kaarawan ni Fil-Am coach Erik Spoelstra.

Tumipa naman si Lauri Markkanen ng 25 points para sa Heat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with