^

PSN Palaro

Branislav aminadong mahihirapan sa 3-peat

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa pagdagsa ng mara­ming magagaling na imports mula sa Amerika at Europa, naging malaking hamon para sa back-to-back champion Foton ang kampanya sa 2017 Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix conference.

Ang three-peat seeking Tornadoes sa kasalukuyan ay pumapangalawa lamang sa standing ng nine-team torneo sa 2-0 win-loss kartada sa likuran ng nangu­nguna at wala pa ring talong Open conference champion Petron Blaze na hawak ang 3-0 record.

 Hindi naging madali sa Tornadoes ang una nilang dalawang laro kung saan umabot sa apat na sets ang panalo nila sa Cignal HD, 25-15, 25-19, 22-25, 25-22 sa opening day noong Oktubre 21 at kahit sa laban nila kontra sa Cocolife Asset Managers nangailangan pa rin sila ng apat na sets bago nagwagi, 20-25, 25-17, 28-26, 25-18  noong Oct. 28.

Kaya inaasahang, dadaan na sa butas ng karayom bago makuha ng tropa ni Serbian coach Moro Bra­nislav ang asam na ikatlong sunod na korona.

“I just don’t know for now if we will win it again this year. That’s still something we have to work on,” wika ni Branislav.

Kahit nagpakita ng husay ang dalawang imports na sina Serbians Sara Klisura at Katarina Vukomanovic at Dragana Perunicnic ng Montenegro, uma­angat din ang level ng laro ng ibang koponan kaya kailangan ang solidong chemistry para magtagumpay muli ang Tornadoes.

Nawala sa hanay ng Tornadoes ang mga kasama nila noong nakaraang taon na sina Angeli Araneta, Sisi Rondina, Rhea Dima­culangan at ang dalawang Amerikanong imports na sina Lindsay Stalzer at Ariel Usher kaya nabago rin ang chemistry ng koponan.

Ang MVP nong nakakaraang taon na si Stalzer ay naglaro na sa Petron kasama sina Hillary Hurley ng US at Yuri Fukuda ng Japan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with