^

PSN Palaro

Altas pinaghahandaan na ang Season 94

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Altas pinaghahandaan na ang Season 94

Ang ilang player ng Perpetual Help Altas sa huling laro sa NCAA Season 93 men’s basketball.

MANILA, Philippines — Sa kabila ng bigong pumasok sa Final Four, nananatili pa ring malakas ang tiwala ng University of Perpetual Help Dalta System sa koponan kaya ngayon pa lamang ay paghahandaan na nila ang kanilang kampanya para sa susunod na season.

Tumapos ang Altas sa Season 93 seniors basketball tournament ng oldest collegiate league sa 4-14 win-loss kartada at ito na ang kanilang pinakamaba­bang record sa NCAA sa loob ng anim na taon.

Isa sa dahilan ng kani­lang maagang pagha­handa para sa 94th season ay ang pagiging host sa susunod na taon kung kaya’t ayaw ng school admi­nistration na mapahiya sa kanilang performance lalung-lalo na sa basketball event.

Kaya kahit wala na sa kanilang line up sina GY Yla­gan, Gab Dagangon na nakuha sa 2017 PBA Rookie Draft bilang No. 26 overall at mawawala na rin sina Kervin Lucente at Flash Gordon Sadiwa dahil matatapos na ang kanilang playing years sa liga, tiwala pa rin ang school administration na muling makamit ang asam na semifinal appearance sa Season 94.

Matatandaang hu­ling pumasok sa semifinal round ang Las Piñas-based Altas noong Season 92 kung saan tumapos sila sa 4th place makaraang matalo sa San Beda College  sa cross over semis.

Sa nakaraang tatlong sunod na season, hindi pumapalya ang Altas sa Final Four kabilang na noong Season 88, 89 at 90th sa ilalim ni veteran coach Aric Del Rosario.

Nalaglag lang sila sa 5th place noong Season 92.

Bilang paghahanda, ilalatag ng coaching staffs ng Altas ang mga bagong recruits na galing sa Team B para sa regular team.

Sa huling laro, nabigo rin ang Altas na idiskaril ang pagpasok ng San Sebastian sa Final Four matapos matalo, 60-80 noong Oktubre 19 at ito ang dahilan ng kanilang maagang paghahanda sa season 94.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with