PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Happy Halloween

Maraming umalma sa trade na ginawa ng San Miguel Beer at Kia.

Kababalaghan daw.

Isipin mo nga naman, sa San Miguel pa napunta ang top pick na si Christian Standhardinger, ang 6-foot-8 na Fil-German.

Makakasama niya si June Mar Fajardo at siguradong sakit ng ulo ang idudulot nila sa ibang teams.

Maliban na lang sa Ginebra na may sarili rin silang Twin Towers na si Greg Slaughter at Japeth Aguilar.

Wala nang ibang teams ang kayang tumapat sa kanila.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Yan ang alma ng karamihan na bakit sa San Miguel pa napunta si Standhardinger.

May trade naman daw na naganap.

Pero anong klaseng trade?

Tatlong butaw ang binigay ng San Miguel para kay Standhardinger -- si Ronaldo Tubid, Jay-R Reyes at Rashawn McCarthy.

Mabuti sana kung si Paul McCartney ng Beatles ang sinama nila sa trade.

Pinasarap ang trade dahil sinama ang first pick ng SMB sa 2019 draft. Eh sigurado naman na malayo na ang pick nila dahil tiyak na mamamayagpag ulit ito sa 2018 season.

Approved ng PBA commissioner ang trade.

Dun mas maraming umalma.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: